|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na talong, hinugasan at tinadtad
4 na butil ng bawang, dinikdik
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa nang pino
6 na kamatis, hinugasan, inalisan ng buto at ginayat nang manipis
1 kutsarita ng oregano, pinitpit
1 kutsara ng katas ng lemon o lime
1/2 kutsarita ng asin
1/2 kutsarita ng pamintang durog
4 na kutsara ng vegetable oil
Paraan ng Pagluluto
Igisa sa mainit na langis ang bawang, sibuyas at kamatis. Ligising mabuti ang kamatis. Takpan sa loob ng 1 minuto. Isama ang tinadtad na mga talong, halu-haluin at takpan sa loob ng 5 minuto. Timplahan ng asin at pamintang durog tapos isama ang pinitpit na mga dahon ng oregano at ibuhos ang katas ng lemon o lime. Halu-haluin at takpan sa loob pa ng 10 minuto. Ihain habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |