Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shanghai Rolls

(GMT+08:00) 2015-10-16 08:30:45       CRI

Mga Sangkap

1/4 na kilo ng giniling na karne ng baboy

1/8 kilo ng hipon, tinadtad

1/4 na tasa ng singkamas na tinadtad nang pino

1/4 na tasa ng carrots na tinadtad nang pino

1 butil ng bawang, tinadtad

1 itlog, binati nang bahagya

3 kutsara ng tinadtad na sibuyas

1 kutsara ng toyo

1 kutsarita ng asukal

1/2 kutsarita ng asin

Kaunting paminta

Pambalot ng rolls

Mantikang pamprito

Para sa Sweet and Sour Sauce (sarsa)

1/2 kutsarita ng asin

2/3 na tasa ng tubig

2 kutsarita ng toyo

1/4 na tasa ng asukal

1/4 na tasa ng suka

2 kutsara ng cornstarch (tinunaw sa 1/3 na tasa ng tubig)

1 kutsarita ng mantika

Paraan ng Pagluluto

Paghalu-haluin sa mangkok ang lahat ng mga sangkap para sa palaman ng rolls. Maglagay ng 1 kutsara ng palaman sa bawat wrapper. Ibilot nang makitid at pahaba na sarado ang magkabilang dulo. Initin ang mantika sa kawali at iprito ang rolls nang lubog sa mantika hanggang lumutong. Patuluin.

Paghalu-haluin ang lahat ng mga sangkap para sa sarsa tapos pakuluan hanggang sa lumapot. Ihain ito kasabay ng rolls.

May Kinalamang Babasahin
cooking
v Paper-wrapped Chicken 2015-10-09 14:10:15
v Chinese Rice Vermicelli Soup 2015-09-25 17:40:55
v Pan-fried Bean Curd with Spring Onions 2015-09-21 10:31:41
v Pork in Soya Sauce 2015-09-14 09:59:22
v Chinese Beef Steak 2015-09-07 09:45:29
v Hot Bean Curd with Pork 2015-08-27 15:07:42
v Stewed Pork Leg 2015-08-20 14:45:18
v Apple Toffee 2015-08-14 14:38:40
v Soya Bean Milk 2015-08-06 11:24:57
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>