|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 grams ng Chinese rice vermicelli
6 na sibuyas Tagalog, ginayat nang pino
3 kutsara ng mantika
250 grams ng lean pork na giniling
1 kutsarita ng pickled radish, tinadtad (optional)
1/4 na kutsarita ng asin
1/4 na kutsarita ng puting paminta
1 pirot ng vetsin
1kutsarita ng cornflour
4 na tasa ng chicken stock
150 grams ng atay ng baboy (optional)
6 na dahon ng litsugas (lettuce)
Paraan ng Pagluluto
Ibabad ang vermicelli sa mainit na tubig sa loob ng 2 minuto, tapos hanguin, patuluin at itabi muna.
Igisa ang sibuyas Tagalog hanggang sa lumutong at magkulay brown. Hanguin at itabi muna.
Paghalu-haluin ang karneng giniling, pickled radish, paminta, vetsin at cornflour at gumawa ng bola-bola na 2.5 sentimetro (2.5 centimeters) ang diameter. Pakuluin ang sabaw at ihulog ang mga bola-bola. Ilaga sa loob ng 10 minuto. Idagdag ang atay at ituloy ang paglalaga sa loob pa ng 2 minuto. Ilagay ang vermicelli at ang hiniwa sa 3-4 na pirasong dahon ng litsugas. Halu-haluin at isilbi kaagad pagkaluto. Budburan ng ginisang sibuyas Tagalog bilang garnish bago isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |