|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 kuwadradong piraso ng bean curd
20 spring onion
3 kutsara ng langis na panluto
Kalahating kutsarita ng asin
2 kutsara ng malabnaw na soy sauce
Paraan ng Pagluluto
Patuyuin nang kaunti ang bean curd at hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 1 sentimetro (1 centimeter). Hiwain ang spring onions kasama ang talbos sa sukat na 2.5 sentimetro (2.5 centimeters) ang haba.
Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito ang bean curd sa loob ng ilang minuto. Huwag kalilimutang halu-haluin. Pag medyo golden na ang kulay, ihulog ang spring onions at ituloy ang pagpiprito sa loob pa rin ng ilang minuto, at huluin din occasionally. Lagyan ng asin at soy sauce at hayaan pang maluto sa loob ng ilang minuto. Isilbi kaagad pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |