|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng karne ng baboy
2 kutsarita ng mantika
4 na butil o cloves ng bawang, dinikdik at tinadtad
1 kutsara ng asukal
4 na kutsara ng malapot na black soya sauce
1 tasa ng tubig
1 sentimetro o 1 centimeter ng stick cinnamon
1/4 na kutsarita ng five-spice powder
2-3 nilagang itlog, binalatan (optional)
Paraan ng Pagluluto
Hiwa-hiwain ang karne nang pa-cube sa sukat na 4 na sentimetro (4
centimeters).
Initin ang mantika at igisa ang bawang nang 15 segundo (15 seconds). Dagdagan ang apoy at isama ang karne. Ituloy pa ang paggisa. Pag pantay na ang pagkakagisa ng karne, bawasan ang apoy at ibudbod ang asukal. Ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 1 minuto tapos idagdag ang lahat ng mga iba pang sangkap liban sa itlog. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Kung gagamitin ang itlog, idagdag ito sa huling 5 minuto ng pagluluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |