Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chinese Beef Steak

(GMT+08:00) 2015-09-07 09:35:44       CRI

Mga Pangunahing Sangkap

500 grams ng rump steak, hiniwa nang mga 1 sentimetro o 1 centimeter ang kapal

2 kutsara ng mantika

1 butil o clove ng bawang, tinadtad

Para sa Marinade

1 kutsara ng light soya sauce

1 kutsara ng HP sauce

2 kutsara ng peanut oil

1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry

1/2 kutsarita ng sesame oil

1 kutsarita ng bicarbonate of soda

1 kutsara ng cornflour

1 itlog, binati

Para sa Sarsa o Gravy

3/4 na tasa ng tubig

1 kutsara ng Worcestershire sauce

1 kutsara ng tomato sauce

1 kutsarita ng oyster sauce

1 kutsarita ng asukal

1/2 kutsarita ng asin

1 pirot ng vetsin

Paraan ng Pagluluto

Hatiin ang karne nang pakuwadrado sa sukat na mga 4 na sentimetro o 4 centimeters. Paghalu-haluin ang lahat ng marinade ingredients at ibabad dito ang karne sa loob ng 8 oras. Halu-haluin paminsan-minsan. Hanguin ang karne sa marinade tapos patuluin.

Initin ang mantika sa malaki-laking kawali at igisa ang bawang hanggang magkulay brown. Alisin ang bawang, dagdagan ang apoy at sandaling iprito ang magkabilang gilid ng karne sa loob ng 2 minuto o 2 minutes. Initin ang gravy ingredients at ibuhos sa mga piraso ng karne. Takpan ang kawali at ilaga ang karne sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ito at mabawasan ang sarsa.

May Kinalamang Babasahin
cooking
v Hot Bean Curd with Pork 2015-08-27 15:07:42
v Stewed Pork Leg 2015-08-20 14:45:18
v Apple Toffee 2015-08-14 14:38:40
v Soya Bean Milk 2015-08-06 11:24:57
v Sichuan Sour Hot Soup 2015-07-31 10:14:12
v Chinese Consomme 2015-07-24 14:25:01
v Pork Bone Soup 2015-07-17 12:12:31
v Stuffed Fried Crabs 2015-07-10 10:33:58
v Fried Hokkien Noodles 2015-07-02 14:36:44
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>