Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shark's Fin and Crabmeat Soup

(GMT+08:00) 2015-11-09 11:00:15       CRI

Mga Sangkap

125 grams ng nakapaketeng pinatuyong shark's fin

1 malaking alimango, may roe kung posible o kung hindi naman ay 100 grams ng crabmeat na nasa lata

4 na tasa ng chicken stock, gawa mula sa 2 drumsticks at chicken cubes

Asin ayon sa panlasa

1/2 kutsarita ng vetsin

1/2 kutsarita ng puting paminta

2 kutsarita ng malabnaw na soya sauce

2 kutsarita ng asukal

2 kutsarita ng sesame oil

4 na kutsara ng cornstarch na inihalo sa 1/2 tasa ng malamig na tubig

1 o 2 itlog, binati nang kaunti

Black Chinese vinegar o Tientsin

Paraan ng Pagluluto

Ibabad ang shark's fin sa mainit na tubig sa loob ng 30 minuto. Kung matigas pa rin, ilaga sa mahinang apoy hanggang sa lumambot. Patuluin pagkaraan.

Kung sariwang alimango ang gamit, hatiin sa dalawa at itabi muna ang roe. Pasingawan sa loob ng 10 minuto at pagkaraan, alisin lahat ang laman. Paghalu-haluin ang chicken stock, asin, vetsin, paminta, soya sauce, asukal at sesame oil tapos pakuluin. Idagdag ang shark's fin at crabmeat. Ilaga sa loob ng ilang minuto at pagkatapos, palaputin gamit ang cornflour. Bago isilbi, isama ang roe sa binating itlog at ihalo sa mainit na soup. Isilbi kasama ng 1 jug ng black vinegar para sa bawat isang tao bilang pampadagdag-lasa.

May Kinalamang Babasahin
cooking
v Stir-fried Mung Beans with Bitter Melon Leaves 2015-11-02 09:31:07
v Sauteed Minced Eggplants 2015-10-26 10:00:10
v Shanghai Rolls 2015-10-16 08:33:27
v Paper-wrapped Chicken 2015-10-09 14:10:15
v Chinese Rice Vermicelli Soup 2015-09-25 17:40:55
v Pan-fried Bean Curd with Spring Onions 2015-09-21 10:31:41
v Pork in Soya Sauce 2015-09-14 09:59:22
v Chinese Beef Steak 2015-09-07 09:45:29
v Hot Bean Curd with Pork 2015-08-27 15:07:42
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>