|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
200 grams ng patatas
200 grams ng talong
100 grams ng bell peppers
Para sa Seasoning:
100 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 grams ng soya sauce
10 grams ng tinadtad na shallot
10 grams ng tinadtad na luya
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Talupan ang talong at patatas at hiwain nang pahilis at pa-block. Hugasan ang bell peppers at gayatin nang maliliit.
Magbuhos ng 90 gramo ng vegetable oil sa kawali. Pag mainit na ang mantika, ihulog ang patatas at iprito hanggang magkulay brown. Hanguin, patuluin at itabi muna. Doon mismo sa mantikang pinagprituhan ng patatas, iprito ang talong hanggang sa magkulay brown at gaya ng patatas, hanguin at itabi muna.
Mag-init ng 10 gramo ng mantika sa kawali. Igisa ang shallot at luya tapos isunod ang talong, patatas at bell peppers. Idagdag ang asin, asukal, soya sauce at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paghahalo, at pag pantay na ang pagkakagisa, puwede nang isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |