|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng celery
50 grams ng lily
100 grams ng cashew nuts
20 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
5 grams ng shallot (tinadtad)
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang celery at hiwain sa pormang pahilis na bloke. Pumili ng maliliit na lily at hugasan.
Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang shallot at idagdag ang cashew nuts o buto ng kasoy. Hanguin ang cashew nuts pag nagkulay golden brown na. Ilagay ang celery at halu-haluin sa loob ng 30 segundo tapos isunod and cashew nuts. Halu-haluin para magpantay ang pagkakagisa. Idagdag ang asin, asukal at mixture of cornstarch and water at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng ilang segundo, at pagkaraan niyan, puwede nang isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |