|
||||||||
|
||
20150114ditorhio.mp3
|
Noong nakaraang episode ay pinarinig po namin sa inyo ang ilan sa mga performance sa napaka-wonderful na China-ASEAN Friendship Concert, kung saan ipinerform ng mga singer mula sa 10 bansa ng ASEAN at Tsina ang kani-kanilang mga kantang nagpapakita ng kagawian, aspirasyon at kultura. Ngayong gabi, itutuloy po natin ang pakikinig sa mga performance sa nasabing konsiyerto.
Ang China-ASEAN Friendship Concert ay dinaluhan ng mga embahador at diplomata mula sa 10 bansang ASEAN, mga opisyal ng Tsina, media ng ASEAN at Tsina, mga kaibigan at marami pang iba.
Sa ating eksklusibong panayam kay Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas, pinapurihan niya si Talonding .
Ani Basilio, "napakagaling ng kanyang boses at napakaganda ng kanyang bersyon ng komposisyon ni Freddie Aguilar."
Kabilang sa mga mang-aawit ng ASEAN na nagtanghal ay sina: Sri Nazrina mula sa Brunei na umawit ng "Anak Durhaka;" Ma Chanpanha mula sa Kambodya na umawit ng "Autumn;" Bunga Citra Lestari mula Indonesya na umawit ng "True Love;" Kai Overdance mula sa Laos na umawit ng "Champa Flower;" Asmidar Ahmad mula sa Malaysia na umawit ng "Wau Bulan;" A Sai mula sa Myanmar na umawit ng "Thanakha;" Tay Kewei mula sa Singapore na umawit ng "Home;" Tanon Jumroen mula sa Thailand na umawit ng "Love Great Charm;" Ta Quang Thang mula sa Vietnam na umawit ng "Water-ferns Drift, Clouds Float."
Ang mga mang-aawit namang Tsino ay sina Wang Li na kumanta ng The Chinese Characters, Bei Bei na kumanta ng The Old Springtime, Wang Sulong na kumanta ng The Growth Ring, Yu Kewei na kumanta ng The Velvet Flower of Glory, Ma Di na kumanta ng The Nostalgia for South, Xu Yina na kumanta ng The Beauty of the Orient, Uda Мод na kumanta ng Mother in My Dream, Xiong Rulin na kumanta ng The Butterfly Kisses Huashan, at Wang Xiaomin na kumanta ng The Little Girl Under the Lamp.
Sa ating espesyal na interview kay Talonding, sinabi niyang sobrang kinabahan siya sa kanyang performance. Pero kahit kabado ang binatilyo, proud naman aniya siya na i-represent ang Pilipinas sa China-ASEAN Friendship Concert.
Ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert ay magkakasamang itinaguyod ng China Radio International (CRI), Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Guangxi TV, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), at mga media ng sampung (10) bansang ASEAN na kinabibilangan ng People's Television Network (PTV).
"Noong nakaraang episode ay pinarinig po namin sa inyo ang ilan sa mga performance sa napaka-wonderful na China-ASEAN Friendship Concert, kung saan ipinerform ng mga singer mula sa 10 bansa ng ASEAN at Tsina ang kani-kanilang mga kantang nagpapakita ng kagawian, aspirasyon at kultura. Sa episode na ito, itutuloy po natin ang pakikinig sa mga performance sa nasabing konsiyerto."
Si Ambassador Erlinda Basilio habang sumusulat ng mensaheng pambati para sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert
Si Aldrich Talonding (sa gitna) kasama ang iba pang mga mang-aawit na ASEAN habang ipinakikilala bago ang pagtatanghal
Sina Ambassador Erlinda Basilio (ika-4 sa kaliwa, unang hanay) at Aldrich Talonding (ika-3 sa kanan), kasama ng iba pang mga diplomata at mang-aawit mula sa Tsina at ASEAN, pagkatapos ng pagtatanghal
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |