|
||||||||
|
||
20151203ditorhio.m4a
|
Ang Lanzhou City, Gansu province, na matatagpuan sa northwest ng China ay kilala sa maraming bagay, ilan dito ang beef noodles o niu rou mian, produktong galing sa rosas, masasarap na putahe ng beef at mutton, at marami pang iba. Ang Gansu province din po ay predominantly Muslim. At dahil ito ay bahagi ng sinaunang silk road, maraming impluwensya ang pumasok sa dito, at dahil ang silk road ay daan patungo sa Gitnang Silangan, marami ang impluwensya ng relihiyong Islam dito. Pero, hindi lang po Islam ang relihiyon sa Lanzhou, nariyan din ang Budismo, at Katolisismo. Sa maniwala kayo o sa hindi, mahigit 3, 000 ang mga Katoliko sa lugar na ito, at nakilala natin ang isang babaeng Tsino na ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko. Pero, tatalakayin po natin 'yan sa mga susunod na episode. Para sa gabing ito, fitness, family bonding at cultural ties ang pag-uusapan natin. Doon sa Lanzhou, maraming mga kabataan, especially iyong mga young entrepreneurs ang nahuhumaling sa fitness, at isa na itong bahagi ng kanilang lifestyle. At ang pinakakilalang fitness place sa Lanzhou ay ang Maker Fit. Pero, ang tanong, ano naman ang espesyal dito? Bukod sa pagiging gym, bahagi ng misyon ng Maker Fit ang palakasin ang family bonding, tulungan ang mga young entrepreneurs na abutin ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng ibat-ibang motivational activities, at palaganapin ang culture at iba pang skills sa ibat-ibang paraan, partikular ang Filipino culture. Oh nabigla po kayo ano? Paano naman napunta ang Filipino culture dyan? Narito't pakinggan natin si Carla, Co-founder ng Maker Fit sa Lanzhou.
Rhio at Carla
Carla at Andrea
Mga estudyante at young entrepreneurs ng Maker Fit
Rhio, habang nagtuturo ng Arnis
Pagpapakilala ng Filipino culture sa pamamagitan ng Arnis
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |