|
||||||||
|
||
Mga Sangkap:
200 grams ng karne ng baka
600 grams ng pumpkin o kalabasa
1 scallion na hiniwa-hiwa sa habang 1 centimeter
Para sa mga Seasoning:
Seasoning Number 1: 1 kutsara ng cooking sherry 1/2 kutsara ng soy sauce 1/2 kutsara ng cornstarch
Seasoning Number 2: 1/2 kutsara ng asin 1/2 kutsara ng soy sauce 1/2 kutsara ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
Hiwa-hiwain ang karne ng baka tapos ibabad sa seasoning number 1 sa loob ng 10 minuto. Hugasan, talupan at hiwa-hiwain nang makapal ang kalabasa. Ilagay sa kawali at igisa sa 2 kutsara ng asin at kalahating kutsara ng soy sauce ayon sa seasoning number 2 at kalahating tasa ng tubig bilang karagdagan. Pakuluin, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 10 minuto. Iprito muna ang karne tapos ilagay sa ibabaw ng kalabasa at takpan. Ituloy pa ang paglalaga sa loob ng 10 minuto. Tanggalin ang takip at baligtarin ang karne. Gawin ito nang lang ulit hanggang sa magbago ang kulay ng karne. Idagdag ang hiniwa-hiwang scallion at ang mixture of cornstarch and water ayon sa seasoning number 2 at haluin hanggang sa maging opaque ang scallion. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |