|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng salted cabbage
4 cups ng sabaw na mula sa laman-loob at katawan ng pato
1-2 chicken stock cubes (optional)
1 malaking kamatis, ginayat nang pasinsel (wedge-shape)
White pepper
Paraan ng Pagluluto
Ibabad ang salted cabbage sa malamig na tubig sa loob ng 1 oras. Palitan ang tubi nang 2 o 3 ulit habang ibinababad. Pigain para maalis ang moisture at banlawan sa running water tapos pigain uli at tadtarin o hiwa-hiwain nang walang takdang sukat.
Magdagdag ng chicken cubes sa sabaw ng pato kung sa tingin niyo ay kulang pa ito sa linamnam tapos idagdag ang cabbage at ilaga sa loob ng 30 minuto. Idagdag ang kamatis at ituloy pa ang pagluluto sa loob ng 5 minuto. Budburan ng sapat na dami ng white pepper at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |