|
||||||||
|
||
Mga sangkap
1 mandarin fish o yellow croaker, mga 750 gramo ang timbang
20 gramo ng sibuyas
20 gramo ng pinatuyong kabute, ibinabad sa tubig
20 gramo ng labong, ibinabad
15 gramo ng karot
15 gramo ng green peas
100 gramo ng tomato sauce
15 gramo ng cooking wine
150 gramo ng tubig
5 gramo ng asin
20 gramo ng asukal
20 gramo ng suka
2 gramo ng sesame oil
50 gramo ng cornstarch
15 gramo ng pula ng itlog
15 gramo ng harina
Paraan ng pagluluto
Hugasan at kaliskisan ang isda, at alisin ang hasang at lamang-loob. Putulin ang ulo ng isda at ibuka sa gitna. Hiwain ang isda sa kahabaan ng backbone nito. Huwag gagalawin ang buntot. Alisin lahat ang tinik. Hiwaan nang pahilis ang magkabilang tagiliran ng isda. Ibabad ang ulo at katawan sa cooking wine at asin. Hiwain nang pa-cube ang mga sibuyas, kabute, labong, at karot at banlian.
Mag-init ng mantika sa kawali. Pahiran ng harina at pula ng itlog ang ulo at katawan ng isda. Iprito hanggang maging ginintuan ang kulay. Isalin sa plato. Mag-iwan ng kaunting mantika sa kawali. Buhusan ng tomato sauce. Ihulog ang mga hiniwang sibuyas, kabute, labong at karot at ang green peas bago igisa. Lagyan ng cooking wine, tubig, asin at asukal. Pagkulo, lagyan ng mixture ng cornstarch at tubig para lumapot. Wisikan ng sesame oil ang isda tapos ibuhos dito ang sauce. Tapos isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |