|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng tofu
30 grams ng vegetable oil
30 grams ng ground pork o beef
20 grams ng hot bean sauce
20 grams ng black bean sauce
10 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 grams ng prickly ash
100 milliliter ng soup o tubig
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwain nang pakuwadrado ang pinakuluang tofu. Kung hilaw pa, pakuluan pagkaraang hiwain.
Ilagay ang mantika sa kawali. Pag mainit na ang mantika, igisa ang karne ng baboy o baka na giniling tapos idagdag ang hot bean sauce at black bean sauce. Ituloy pa ang paghahalo sa loob ng ilang segundo tapos idagdag ang soup o tubig. Pagkulo ng sabaw, ihulog ang tofu. Bawasan ang apoy at hayaang kumulo ang sabaw sa loob ng 3-5 minuto. Idagdag ang asin, prickly ash at mixture of cornstarch and water at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |