|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng skinless and boneless lamb leg meat, hiniwa sa habang 3 centimeters
25 grams ng butter
50 grams ng sibuyas, hiniwa nang pa-cube
50 grams ng ginayat na carrot
250 grams ng Chinese celery, inalisan ng dahon at hiniwa sa habang 4 centimeters
2 bay leaves o dahon ng laurel
2 kutsarita ng asin
1/2 kutsarita ng durog na paminta
Paraan ng Pagluluto
Ibabad ang karne ng tupa sa malamig na tubig sa loob ng 30 minuto tapos hanguin at patuluin. Pakuluan sa loob ng ilang minuto at pagkaraan hanguin, banlawan at patuluin.
Initin ang butter sa kawali hanggang matunaw. Igisa ang sibuyas, carrots at celery sa loob ng 30 segundo. Idagdag ang karne ng tupa, bay leaves, asin, paminta at sapat na dami ng tubig para lumubog ang lahat ng laman ng kawali. Pakuluin ang tubig tapos alisin ang lahat ng scum o sebo na lulutang. Bawasan ang apoy at takpan. Ilaga sa loob ng isang oras hanggang sa lumambot ang karne. Isalin sa bowl at isilbi kaagad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |