|
||||||||
|
||
20160519ditorhio.m4a
|
Narinig na ba ninyo ang Crossfit? Isa sa mga fad o sikat na sikat na activity ngayon upang pabutihin ang pangangatawan ay ang cross fit. Isa itong uri ng exercise, na kumbinasyon ng gymnastics, pagtakbo, weight lifting at marami pang iba.
Napakarami ngayong tao sa buong mundo ang nahuhumaling sa cross fit. Sa atin dyan sa Pilipinas, alam kong halos lahat ng mga gym ay mayroon na nito.
Tulad ng ibang sports, ito'y nakakapagbigay ng motibasyon at inspirasyon sa mga tao upang magpursige at pabutihin ang kanilang pangangatawan.
Pero, hindi lang sa pangangatawan may positibong impact ang cross fit, pati na rin sa pag-iisip. Kapag ang tao ay may magandang pangangatawan, mayroon din itong positibong pag-iisip, at may magandang pananaw sa pamumuhay.
Dito sa Tsina, marami na rin ang mga gym na nag-o-offer ng crossfit at nag-uumpisa na itong makilala sa byuong bansa. Pero, ano nga ba talaga ang cross fit? Ano ang naidudulot nito? Paano ito ginagawa?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |