|
||||||||
|
||
20160526ditorhio.m4a
|
Nakarinig na ba kayo ng embahador na nagpe-perform at tumutugtog ng instrumento na parang propesyunal na miyembro ng isang banda?
Kapag sinabing embahador, unang pumapasok sa isip natin ang pagiging diplomatiko, pormal, prim and proper, at marami pang iba.
Pero, alam ba ninyo, ang embahador ng Republic of Trinidad and Tobago sa Tsina,na si Chandradath Singh ang siya mismong tumutugtog ng mga tradisyonal na instrumento ng kanyang bansa sa ibat-ibang aktibidad?
Mahigit dalawang taon na sa China si Embahador Chandradath Singh, at naniniwala siya na ang pinakamainam na paraan upang makilala at mapalapit sa puso ng mga mamamayan ay sa pamamagitan ng pagpupundar ng pambihirang relasyon sa pamamagitan ng musika: dahil ito aniya ay malapit sa puso ng mga tao, at hinding-hindi nila ito malilimutan.
Ilan sa mga instrumentong tinutugtog ng embahador ay ang national musical instrument ng Trinidad and Tobago, na steel pan and drums. Pakinggan po natin ang kuwento ng musician sa diplomatic world.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |