|
||||||||
|
||
20160602ditorhio.m4a
|
Noong 1417, kasama ang kanyang pamilya at royal entourage, Naglayag patungo sa Tsina si Paduka Pahala, Sultan ng Sulu, kasama ng kanyang pamilya, upang bisitahin at magbigay-galang sa kanyang kaibigan, ang Emperador Yongle ng Ming Dynasty, na si Zhu Di.
Sa kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas, nagkaroon ng malubhang karamdaman si Sultan Paduka Pahala at namatay sa bayan ng Dezhou, sa probinsya ng Shandong.
Nang makarating kay Emperador Zhu Di ang balita, lubha itong nalungkot sa pagkamatay ng matalik na kaibigan. Kaya, bilang pasasalamat at pag-ala-ala, iniutos niya ang pagtatayo ng isang mausoleum na karapat-dapat sa isang emperador.
Dahil dito, ilang anak na lalaki ng Pilipinong sultan ang nagdesisyong manatili sa Dezhou upang bantayan ang mausoleum; at magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanilang salinlahi ang mausoleum ni Paduka Pahala, Sultan ng Sulu.
Mga kaibigan, ito ang maningnig na patunay, na ang mapagkaibigang relasyon ng mga mamamayang Pilipino at Tsino ay may matibay na pundasyon, na hindi kailanman mabubuwag at mabubura ng panahon o anumang di-pagkakaunawaan.
Mga kaibigan, para sa gabing ito, isang similar na pangyayari, na halos katulad ng kay Sultan Paduka Pahala at kanyang mga salinlahi ang ating ikukuwento ngayong gabi. Pero, this time, ang royalty ay mula naman sa Sri Lanka.
Limang daang taon na ang nakakaraan, isang prinsipe ng Ceylon (kasalukuyang Sri Lanka) ang nagpunta sa Tsina, kasama ang isang kilalang opisyal ng Ming Dynasty na si Zheng He.
Naibigan ng prinsipe ang Tsina at hindi na ito kailanman nagbalik sa Ceylon.
Limang daang taon matapos ang pangyayaring ito, nakita ng mga archaeologists ang isang libingan ng mga maharlikang pamilyang mula sa Ceylon, sa Quanzhou. Dahil dito, nabuksan sa mundo ang isang historical case na gumimbal sa mundo ng China at Sri Lanka.
Samantala, ang buhay ng isang ordinaryong babae ay nagbago at hindi na maibabalik sa dati magpakailanman. Ayon sa pagsususri at pananaliksik ng mga eksperto, ang babaeng ito ang direktang salinlahi ng nasabing prinsipe ng Sri Lanka. Pakinggan natin ang kanyang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |