Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Drone na pan-deliver?

(GMT+08:00) 2016-06-23 15:55:16       CRI

Madalas nating makita sa telebisyon ang mga Unmanned Aerial Vehicle (UAV). Ang mga ito ay ginagamit ng military at pulisya sa surveillance, at iba pang mga misyon na napakadelikado para sa mga tao. Malaki ang tulong ng mga ito upang maraming buhay ng ating mga Kasundaluhan at Kapulisan ang hindi mabubuwis.

Pero, alam ba ninyo, marami pang praktikal na aplikasyon ang mga UAV o mga drones? Kung tawagin ay consumer drones, marami nang kompanya ngayon ang sumusubok na gamitin ang mga ito sa maraming bagay na tulad ng photography, aerial reconnaisaince, paghahanap ng hurricane o buhawi, 3D mapping, pagprotekta sa wildlife, paglalagay ng pestisidyo sa mga tanim, at sa maniwala kayo o hindi, paged-deliver ng produkto.

Noong 2015, ipinalabas ng Amazon.com ang isang video na nagpapakita ng kanilang planong pagde-deliver ng mga pinamili online, sa pamamagitan ng mga drone.

Ayon sa kanila, maisasagawa ang ganitong klase ng delivery sa malapit na hinaharap.

Pero, kamakailan, inilunsad ng isang Chinese company ang ganitong uri ng delivery.

Sinimulan ng E-commerce giant Jingdong ang pagde-deliver ng mga pinamili online sa pamamagitan ng mga unmanned aerial vehicles (UAV) o drone sa mga rural area ng China.

Ang nasabing mga done ay puwedeng magkarga ng 15 kilogramo sa bilis na 15 meters per second.

Sa kaslukuyan, 2 drone ang ginagamit ng Jingdong sa Suqian City, gawing silangan ng Jiangsu province, at ito ay idene-deploy sa mga lugar na may mababang populasyon at madalang na order.

Ang mga UAV ay puwede ring makapag-deliver ng 200 order sa isang araw. Sa pamamagitan nito, napapababa ang delivery cost sa mas mababa pa sa 0.5 yuan o halos P4.00 kada order.

Ayon kay Wang Shaomei, isang taga-Caoji County, kalahating araw lang, at nakuha na niya ang kanyang biniling internet router. Noong wala pang drone delivery, mas matagal na panahon ang inaabot bago ito dumating .

Sinabi ni Xiao Jun, vice president of technology ng Jingdong, "It may take about only one hour for the transportation.

Aniya pa, "the UAV takes the product from our warehouse to distribution station to provide villagers the services as good as those in big cities, or even better than that."

Sa susunod na yugto, nais itaas ng Jingdong ang delivery weight, mula 15kg sa 30 Kg.

 

 

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Yoga sa Tsina 2016-06-16 18:17:17
v Karera ng Dragon Boat 2016-06-12 11:05:19
v Ang Prinsesa ng Ceylon 2016-06-02 17:25:53
v Adik sa Crossfit 2016-05-19 15:34:22
v Game of Thrones, patok sa Tsina 2016-05-05 18:06:37
v Kanluraning Bogchi sa Tsina 2016-03-10 18:15:51
v Konsiyerto, ASEAN style 2016-01-07 14:35:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>