Kapag pinag-usapan ang negosyo, may ilang bansang pumapasok agad sa isipan natin: nariyan ang India, Tsina, Amerika, Israel, Pakistan, etc.
Dito sa Timog-silangang bahagi ng Asya, hindi natin maididiskuwento ang kahalagahan ng probinsyang Guangzhou, Tsina sa pagnenegosyo. Ito ang tinatawag na manufacturing capital ng mundo, at lahat halos ng mga produktong ginagamit natin ay dito ginagawa. Kaya naman para sa Pakistani na si Fahad Javaid, pinili niya ang lugar na ito para kuhanin ang kanyang master's degree, at pag-aralan kung paana tumatakbo ang pamilihan ng Tsina.
Noong 2013, kauna-unahang dumating si Fahad sa probinsyang Guilin, Tsina bilang bahagi ng isang exchange program sa Guilin University. Matapos ang programang ito, nagdesisyon siyang bumalik sa China para sa kanyang Master iun Business Administration (MBA), sa pagkakataong ito, sa Jinan University sa Guangzhou. Sa ngayon, inuumpisahan na niya ang pagpaplano para sa kanyang international trade business, kasama ang ilang mag-aaral ng Jinan University.