|
||||||||
|
||
20160915ditorhio.m4a
|
Para sa ating mga Pilipino, nakagawian na nating ipagdiwang ang Mooncake Festival (Zhongqiujie) sa pamamagitan ng pagkain ng mga mooncake, (yue bing) at pagsasalu-salo ng pamilya, habang pinapanood ang bilog na buwan. At dahil nakabase sa Chinese Calendar, ang eksaktong araw kung kalian ipinagdiriwang ang Mooncake Festival ay nagbabagu-bago. Paano ito nalalaman?
Ayon sa Chinese Calendar, ang Mooncake Festival ay ginaganap sa Ika-15 araw ng Ika-8 buwan ng taon; ibig sabihin, ito'y nasa pagitan ng Setyembre o Oktubre.
Hindi lang sa Tsina at Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito. Ang Mooncake Festival ay ginaganap din sa maraming bansa sa Asya, tulad ng Japan, South Korea, Singapore, Malaysia, Thailand, Vietnam, at marami pang iba.
Pero, bakit nga ba ito ipinagdiriwang? Saan ito nagmula? At ano ang kahalagahan nito para sa mga tao? Bago natin sagutin ang mga tanong na iyan, narito muna ang isang magandang himig Tsino.
Noong sinaunang Tsina, ang Ika-15 araw ng Ika-8 buwan sa Chinese Calendar ay isang tradisyonal na araw para sa pag-aani ng mga pananim. Kaya naman, ipinagdiriwang ito ng mga tao bilang pasasalamat sa mga bathala para sa mabuting ani. Kaya, ang pagdiriwang ng Mooncake Festival (Zhongqiujie) ay may kinalaman sa pagpapasalamat sa mabuting ani. Bukod pa riyan, sa panahong ito, makikitang pinaka-maliwanag at pinaka-bilog ang buwan: para sa mga Tsino, ito'y simbolo ng pagsasama-sama at pagkakaisa ng buong pamilya. Kaya, ang tunay na esensya ng Mooncake Festival ay ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng pamilya pagkatapos ng isang masaganang ani, at ginagawa ito sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan. Dagdag pa riyan, ang maliwanag na buwan ay simbolo rin ng isang masuwerte at masaganang kinabukasan.
Ayan, ngayong alam na natin ang tunay na esensya ng Moonckae Festival, saan naman nanggaling ang pagkain ng mooncake? Unang-una, masarap ang mooncake, kaya, paborito itong kainin tuwing Mooncake Festival. Pero, bukod pa riyan, ang mooncake po kasi ay hugis bilog na tulad ng buwan, kaya malaki ang kaugnayan nito sa mga kahulugan na sinabi natin kanina.
Maraming alamat ang nagpapaliwanag sa pinanggalingan ng pagkain ng mooncake (yue bing) tuwing Mooncake Festival, pero ang pinaka-popular dito ay ang kuwento ni Chang-e at Hou Yi.
Bukod sa pagkain ng moonckae marami pang ibang tradisyon sa Tsina ang ginagawa tuwing Mooncake Festival. Ilan sa mga ito ang:
1. Pag-appreciate sa bilog at maliwanag na buwan, kasama ang buong pamilya. Ito'y maituturing na rin bilang isang family reunion.
2. Pag-aalay ng pagkain sa buwan. Ito'y matandang tradisyon na may-kinalaman sa pagpapasalamat sa mga bathala para sa mabuting ani.
3. Paggawa ng makukulay na parol at paglalagay ng mga kandila sa loob upang sabay-sabay paliparin. Muli, ito'y may kaugnayan sa pagkakaisa ng pamilya, pagbibigay ng mabuting hangarin para sa lahat at pasasalamat sa mabuting ani.
4. Magkakasamang paghahapunan at pagbibigayan ng regalo.
5. Paglalakbay, shopping, panonood ng sine at marami pang iba.
Tuwing Mooncake Festival, isa ring kagawian ng mga Tsino na batiin ang isat-isa upang magdala ng mabuting hangarin at suwerte.
Ano ang pagbati? Zhōngqiū kuàilè! Sa English, Happy Mid-Autumn Festival!
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |