|
||||||||
|
||
20160728ditorhio.m4a
|
Ang pagbibigay-diin sa pag-aaral ng wikang Ingles sa Tsina ay nagsimula noong mga huling dako ng dekada 70 at unang dako ng dekada 80. Sa ngayon, mayroon nang humigit-kumulang 200 milyong English speakers sa Tsina. Inaasahang patuloy pa itong tataas sa gitna ng patuloy ding pagtaas ng entusiasmo ng mga Chinese parent upang pag-aralin sa wikang Ingles ang kanilang mga anak.
Simula pa lamang sa kindergarten, libu-libong RMB na ang ginagasta ng mga magulang sa Tsina upang maagang matuto ng wikang Ingles ang kanilang mga anak.
Kaya naman, maraming dayuhan, lalo na ang mga taga Britanya, Canada, Australia, New Zealand, Amerika, at kung minsan ay Pilipinas ang nagpupunta sa China upang magturo ng wikang Ingles.
Kung titingnan mo ang mga job hunting websites sa Tsina, karamihan sa mga makikita mo ay "Native English Speakers" Needed. Kapag sinabing "Native English Speakers."
Bukod diyan, marami na ring nagsusulputang mga international school, lalo na sa malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Guangzhou, etc.
Sa totoo lang, marami rin tayong kilalang Pinoy na nagtuturo ng Ingles sa mga international schools.
Pero, sa kabila ng lahat ng ito, marami pa ring estudyanteng Tsino ang hindi nakakapagsalita o nakakaintindi ng wikang Ingles.
Isa sa mga nakikitang dahilan ay: ang mga eskwelahan sa bansa ay ine-evaluate at binibigyang-pondo base sa grade ng mga estudyante. Dahil dito, ang pagtuturo at pagkatuto ng Ingles ay nakapokus sa pagpasa sa mga eksamen, rules ng grammar, at memorization. Nakakaligtaan ang pagpapaunlad ng kakayahan sa pagsasalita, pag-intindi, sarilinang pagkatha o pagsulat, at creativity. Hindi rin nagagamit ang kanilang natututunan sa eskwela, dahil sa sandaling lumabas ang mga estudyante sa silid-aralan, Mandarin na ang kanilang ginagamit na salita. In short, marami sa mga natututunan sa silid-aralan ay nakakalimutan.
Syempre, mayroon din namang mga estudyante na talagang interesadong matuto at nagpupunyagi na magpraktis kasama ang mga kaibigan at iba pang dayuhan.
Pero, sa kabila nito, patuloy ang pagdagsa ng maraming dayuhan upang magturo ng Ingles sa Tsina. Isa sa mga ito si Norman Prichard.
Siya ay isang Briton na 17 taon nang nananatili si China. Siya ngayon ay nagtuturo ng Ingles sa Beijing Foreign Studies University. Una rito, nagturo na rin siya sa 14 na bansa sa daigdig, at nagpunta siya sa Tsina dahil, ayon sa kanya, " it's a very peaceful place" and "a place for the fantastic culture and history."
Sa kanyang libreng oras, si Norman ay nagja-jogging, naglalaro ng tennis, at tumutugtog ng gitara, kasama ang mga kaibigan.
Mayroon din siyang advice sa mga dayuhang gustong magpunta, magtrabaho at manirahan sa China: mag-aral ng Mandarin at always keep an open mind. Narito ang kanyang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |