|
||||||||
|
||
20160811ditorhio.m4a
|
Nang mag-sign-up sa napakahirap na 7-day marathon sa Gobi Desert ang runner na si Dion Leonard, naisip niyang medalya lamang ang kanyang iuuwi pagkatapos ng kompetisyon.
Pero, matapos ang marathon, mayroon pa siyang iuuwi maliban sa kanyang medalya. Ano ito? Isang cute na mabalahibong aso na kasama niyang tumakbo sa loob ng 125 kilometro sa kahabaan ng Gobi Desert. Ang pangalan niya ay "Gobi."
Unang nakita ni Leonard ang kanyang aso kasama ng ilang mananakbo. Nang magsimula ang marathon, sumama ang 18 buwang aso sa pagtakbo, sa kahabaan ng mainit at tuyong disyerto. Sa pangalawang araw ng kompetisyon, nagsimulang samahan ni Gobi (aso) si Leonard.
Ayon kay Leonard "once we begun the run, Gobi (aso) seemed to like the bright yellow colors of my shoes and proceeded to run with me."
Aniya pa, nang dumating sila sa camp, sumunod si Gobi (aso) kay Leonard at natulog kasama niya.
Sa loob ng isang linggo, kasa-kasamang tumakbo ni Leonard si Gobi sa 4 na stage ng 6 na stage ng marathon.
"She would run ahead and wait for me, 20 or 30 meters down the road and then, I'd have to catch up with her," dadag ni Leonard.
Masayang ikunuwento ni Leonard na, maliit lamang si Gobi pero, mayroon siyang napakalaking puso.
Sa isang punto ng marathon, kinailangang kargahin ni Leonard si Gobi dahil kailangang tumawid sa isang ilog. Kahit ito'y nangangahulugang medyo mahuhuli si Leonard sa marathon, ginawa niya ito para kay Gobi.
Salaysay ni Leonard, "there were times during the race when, im trying to do my best to win, but we had to cross some really large rivers, where I have to carry Gobi. But, I realized that I had to take her with me and the bond was made."
Walang may alam kung saan nanggaling si Gobi. Ang pinakamalapit na barangay ay 3 hanggang 5 milya ang layo sa pinagdarausan ng marathon at kahit may posibilidad na may rabies o dalang sakit si Gobi, hindi ito inalintana ng mga mananakbo.
Sinabi pa ni Leonard na, "the dog was more famous than anyone in the race. She was in everyone's blogs and emails, and was all over the race photos, making her the star of the race."
Si Gobi ang naging mascot ng naturang kompetisyon dahil siya ang kumakatawan sa fighting spirit ng mga mananakbo.
Samantala, hindi pinayagan ng mga organizers na tumakbo si Gobi sa 4th at 5th stages ng marathon dahil ang temperature sa disyerto ay umaabot sa 52 degrees Celcius. Sumakay na lamang siya sa isang support car. Pero, muli siyang pinayagang tumakbo sa final stage.
Magkasamang tumawid sa finish line sina Leonard at Gobi. Sila ay pangalawa sa 101 mananakbo. Nakuha nila ang silver medal at naging masayang-masaya ang magkaibigan, pero ang kasiyahang ito ay biglang nahinto nang malaman ni Leonard na hindi niya maaaring dalhin sa Scotland si Gobi.
Maraming proseso ang kailangang pagdaanan ni Leonard bago niya makuha si Gobi, pero, tulad ng ipinakitang puso ni Gobi, hindi sumuko si Leonard.
Nang makabalik siya sa Scotland, nag-set-up si Leonard ng isang crowd funding page na pinamagatang "Bring Gobi Home." Ang layon nito ay makalikom ng 5,000 British Pounds para sa Medicare, quarantine at transportasyon ni Gobi.
Nalikom ang pondong ito sa loob ng 24 oras, salamat sa tulong ng 300 backers na nag-abuloy ng mahigit 8,600 Britsh Pounds.
Sa ngayon ang pondong ito ay lumobo na sa 9,600 Britsh Pounds.
Mula sa Urumqi, Xinjiang Autonomous Region, kung saan pansamantalang nananatili si Gobi sa ilalim ng pag-aalaga ng 4 na marathon organizers, dadalhin siya sa Beijing, kung saan ikukuwarantina siya sa loob ng ilang buwan, bago siya dalhin sa Britanya. Sa Britanya, muli siyang ikukuwarantina at susuriin bago niya muling makapiling si Leonard.
Ani Leonard, tatagal ng 6 na buwan ang buong proseso, pero hindi niya ito inaalintana, dahil ang mahalaga, malapit na silang magkita muli ng kanyang matalik at matapat na kaibigan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |