Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kakaibang balita

(GMT+08:00) 2016-08-04 16:43:32       CRI


 

 

Mga kaibigan, para sa episode natin ngayong gabi, mga kakaibang balita at syempre, musika ang aming ihahatid sa inyo. Bilang panimula, kuwento ni "Bantay" ang uunahin natin.

Sa maraming pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, napatunayan na ng mga aso ang kanilang pagiging matapat sa mga tao. Marami na tayong narinig na kuwento na inialay ng aso ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang amo at kaibigan. Mayroong asong nilabanan ang ahas hanggang sa kamatayan para iligtas ang pamilya ng amo, mayroong asong nanlaban sa isang holdaper na may patalim para protektahan ang kanyang kaibigan, etc.

Bukod pa riyan, marami ring pakinabang ang mga aso sa ating lipunan, nariyan ang pagiging alaga at bantay, matapat na kaibigan at kalaro, guide para sa mga bulag, paghahanap ng bomba at droga, body guard, at marami pang iba.

Dahil sa mga nabanggit natin, binansagan ang aso bilang man's best friend.

Vice versa, maraming mga tao rin ang napapamahal sa mga aso dahil sa taglay nilang kakyutan, katalinuhan, at katapatan.

Ayon sa Chinawire, isang online magazine sa China, isinamang mamasyal ng isang taga-Suzhou, Jiangsu Province ng Tsina ang kanyang aso sa 23 bansa sa mundo, sakay ng bisikleta. Tama po ang narinig ninyo, halos nag-around the world ang magkaibigan sa pamamagitan ng bisikleta.

Labinlimang libong milya (15,000) ang nilakbay ng 29 year old na pet photoghrapher na si Xiao Yu at Harry (aso) sakay ng bisikleta. Syempre, hindi maaaring tumawid ng dagat ang bisikleta kaya naman, isinasakay ng dalawa ang kanilang bisikleta sa eroplano at bapor kapag kinakailangan.

Inampon ni Xiao Yu si Harry noong 2010, at noong 2014, sinimulan nila ang kanilang biyahe na nagtapos lamang noong July 2016.

Mula sa China, nagbisikleta ang dalawa papunta sa Tibet, at Central Asia, bago sumakay ng eroplano papuntang Berlin, Alemanya.

Mula naman sa Berlin, nag-sight-seeing ang dalawa sa Europa, at nagpunta sa Arc De Triumph sa Pransya, Acroipolis sa Athens, Greece at mga cathedral sa Milan, Italta.

Pagkatapos, nilibot nila ang Amerika, mula New York, patungong Los Angeles, California.

Pero, ang kagila-gilalas, habang naglalakbay ang dalawa, bumisita sila sa 100 dog shelter. Bilang isang pet photographer, maraming larawan ang kinuha ni Xiao Yu tungkol sa kalagayan ng mga aso sa mga dog shelter at isang libro ang inilimbag tungkol dito.

Pinamagatang "Cycling Around the World," at ginawa para kay "Harry" (aso), ang lahat ng kikitain sa librong ito ay ibibigay sa mga dog shelters sa buong mundo.

Sa foreword ng aklat, nakalagay na "I could go further because of you. The most precious gift in life is not the beautiful scenery along the way, but your company."

Ginawa ni Xiao Yu ang aklat para kay Harry, ang kanyang matalik na kaibigan.

Ang atin namang ikalawang kakaibang kuwento ay tungkol sa Great Wall o Great Wall of China. Sinimulang itayo ang Great Wall noong 221 BC sa ilalim ng pamamahala ni Emperador Qin Shi Huang, tagapag-unipika at unang emperador ng Tsina. Sa paglipas ng panahaon, patuloy itong pinalakas at pinahaba ng mga sumunod na dinastiya upang protektahan ang imperyo sa mga "barbarians" mula sa hilaga.

Ang Great Wall ay may habang 13,000 milya.

Ito'y binibisita ng halos 10 milyong turista kada taon at idineklara ng United Nations Education Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang World Heritage Site.

Pero, unti-unti na ito nawawala sa ngayon at ang mga salarin, ang kalikasan at mga kawatan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng UNESCO, halos 30% ng Ming Dynasty Section ng Great Wall ang wala na.

Ayon naman sa mga opisyal ng Tsina, kinukuha ng ilang tao ang mga bricks mula sa Great Wall upang gamitin sa paggawa ng mga bahay, at ipinagbibili rin bilang souvenir sa mga turista.

Upang malabanan ang tuluyang pagkawala ng Great Wall, ilulunsad ng State Administration of Cultural Heritage ng China (SACH) ang regular inspection at random checks sa 15 probinsya, autonomous regions at munisipalidad. Bukod pa riyan magbubukas din ang SACH ng hotline para sa pagsusumbong ng mga violators.

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Kakaibang balita 2016-08-04 16:43:32
v Guro ng Ingles 2016-07-28 17:59:44
v Negosyanteng Pakistani sa Guangzhou 2016-07-21 17:32:50
v Pelikulang Pilipino, itinanghal sa Beijing 2016-07-08 19:49:30
v Karera ng Dragon Boat 2016-06-12 11:05:19
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>