|
||||||||
|
||
PNP Director General dela Rosa, nanindigang wala silang pakialam sa mga magsisiyasat sa larangan ng human rights
SINABI ni PNP Director General Ronald Dela Rosa na wala silang ikababahala sa anumang pagsisiyasat ng isang human rights commission mula sa America sa mga sinasabing paglabag sa karapatang pangtao.
Makapagsisiyasat umano ang mga Americano subalit hindi sila nababahala sapagkat hindi naman sila saklaw ng America. Patuloy na inaakusahan ang pulisya ng mga paglabag sa Karapatang Pangtao sa pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal drugs.
Unang lumabas sa balitang magsasagawa ng imbestigasyon ang Tom Lantos Human Rights Commission upang pag-aralan ng mga mambabatas kung paano ipinatutupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang programa laban sa illegal drugs.
Ipinagtanong pa ni Director General dela Rosa kung saklaw daw ba ng America ang Pilipinas at magdidikta sa programa nito. Nagbabalak din ang mga mambabatas na Americano na pagbabawalan na ang pagbebenta ng mga sandata sa mga pulis ng Pilipinas, sinabi ni G. Dela Rosa na makatatagpo naman sila ng ibang mabibilhan.
Imumungkahi umano ni General dela Rosa sa Department of Budget and Management na kanselahin na ang kontrata sa pagbili ng baril mula sa America upang magkaroon ng rebidding.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |