|
||||||||
|
||
HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na patagalin pa ang Martial Law at ang suspension ng writ of habeas corpus hanggang katapusan ng Disyembre ng taong ito.
Binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang liham ni Pangulong Duterte sa Kongreso.
Napapaloob sa liham na hindi matatapos ang paghihimagsik ng mga Maute at Abu Sayyaf sa pagtatapos ng Martial Law sa Sabado na siyang takdang araw ng pagtatapos ng nilalaman ng Proclamation 216.
Sa dahilang ito at sa pangangailangan ng kaligtasan ng balana, nananawagan si Pangulong Duterte sa Kongreso na payagan siyang ituloy ang Martial Law hanggang sa ika-31 ng Disyembre ng taong ito o sa pananaw ng Kongreso sa isyung ito.
Ani Spokesperson Abella na bahala na ang Kongreso sa kanilang magiging desisyon ayon na rin sa rekomendasyon ng mga kawal at pulis.
Kailangang ipagpatuloy ang military operations ng walang humpay. Pagtutuunan din ng pansin ang rehabilitation ng Marawi City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |