|
||||||||
|
||
Singapore national na biktima ng kidnap-for-ransom, nailigtas
NALUTAS ng Philippine National Police ang kidnap-for-ransom case ng isang nagngangalang Wu Yan, 48 taong gulang, isang babae na mula Singapore. Nailigtas siya ng pulisya at nadakip ang 44 na mga banyagang nanunuluyan sa Paranaque City.
Ayon sa ulat ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, nagsusugal noong Lunes, ika-17 ng Hulyo, ang biktima sa Solaire Resorts and Casino sa Pasay City at kinaibigan ng dalawang Malaysian nationals na sina Ng Yu Meng and Goh Kok Keong. Inanyayahan ang biktima na maglaro sa City of Dreams sa Pasay City bago sumapit ang ikasampu ng gabi. Sumakay ng taxi at sa halip na magtungo sa City of Dreams, dinala ang biktima sa Bayview International Condominium sa Roxas Blvd., Paranaque City at hinilingan na magbayad ng $180,000 upang makalaya na maayos.
Sa pagkakabatid ng insidente noong Martes, ika-18 ng Hulyo, kumilos ang PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang mga tauhan ng Bureau of Immigration at pulis ng Paranaque City. Nailigtas ang biktima at nadakip ang dalawang Malaysian nationals at may 41 sinasabing mga Tsino na nasa iba't ibang silid sa Bayview International Condominium.
Ginawa ang inquest proceedings sa PNP-AKG conference room sa Campo Crame at pinangasiwaan ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, officer-in-charge ng Task Force on Anti Kidnapping sa Department of Jsutice laban sa sinasabing 43 mga pinaghihinalaan. Kinasuhan sila ng Kidnapping for Ransom and Serious Illegal Detention.
Hinahanap pa ang isa pang suspect na kinilala sa pangang Chen DeQuin. Ang mga nadakip ay sinasabing bahagi ng isang grupo ng mga nagpapautang sa mga nagsusugal sa mga casino sa Paranaque City.
Inaalam pa ng Bureau of Immigration ang kalagayan ng mga banyagang nadakip.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |