
We wish you a merry Christmas, we wish you a merry Christmas, We wish you a merry Christmas and a Happy New Year, Merry Christmas~Paano kayo magdiriwang nang walang music?
Ito ang pinakahuling episode ng Pop China bago pumasok ang 2010. Sapul nang pormal na sinimulang isahimpapawid, 33 episodes at mahigit 70 Chinese pop music lahat-lahat ang naibahagi namin sa mga tagapakinig. May ilan na mabilis na nawala sa music chart pagkaraang i-recommend ni Sissi at mayroon din namang nanatili ng kasintagal ng isang buwan sa chart. Ngayong gabi, babalik-tanawin natin ang mga pinakapopular na hits at ilang golden messages na ipinadala ng matatalinong tagapakinig. BTW,may secret guest tayo…
![]()

Kasunod ng ganito ka-energetic na rhythm at sexy voice , tiyak na pamilyar na pamilyar ito sa mga listener. Ang carrier song na "Party Time"
ng bagong album na "East and West" Sabi ng mobile phone user 006391580755XX: i like the song sand drawing but i dont like the idea of drawing in the sand. doesnt make sense. You need to be more optimistic and emotional. Sa tingin ko, sometimes doing something stupid is a way of making life more memorable. Dahil sa iyong calmness, ikaw ang naging pinakamalamig na listener. OK, huwag kalimutang nagpadala ng iyong address kay Sissi, mga pinakaromantic, loyal, malamig, imaginative, at makatuwirang listener, hope you are all happy, sound, happy, sound for ever~
Ang kantang ![]()
"Sand Drawing" nina Jay Chou at Cindy Ren. Anim na bese na pumasok sa aming music Chart. Ang talagang nararapat na puwesto— first place. Sapul nang maging popular si Jay Chou, halos lahat ng big stars ay gustong magpagawa ng kanta kay Jay at halos lahat ng new singers gustong magkaroon ng kahit anong relasyon sa kanya. Halimbawa, ang kantang "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou. Bagama't kinatha ito ni Cindy, malinaw na maririnig ang istilong Jay Chou.

"Be With You" nina Wilber Pan at Akon. Pumasok sa aming music Chart nang 6 beses. Ang pinakatamang puwesto-ika-2. Ang hiphop boy na si Wilber Pan kasama ng pinakamatagumpay na Hip hop king-Akon, nagprodyus ng ganitong classic hit. Bagong naging singer, si Wilber ay host ng juvenile TV progrema, kasi, likas na sa kanya ang pagiging mabait.. Parang malamig lang siya kung titingnan pero mabait naman talaga. ![]()
"Stop the Time" ng S.H.E. Pumasok sa music chart nang 6 na beses. Ang ang pinaka-karapat-dapat na puwesto-Una.
ang super girls group-S.H.E. na binubuo nina Selina, Hebe at Ella ay walang dudang naging pinakapopular na group sa mga pinoy at pinas. Bukod sa bago nilang kantang Stop the Time, nakatanggap ako ng maraming request para sa kanilang classical songs na gaya ng Chinese language and neverland. Sabagay, kung ikukumpara sa iba pang singer, tatlo sila, kaya triple din ang kanilang powers, di ba?
Sabi Sabi nga ni Edna: "i like s h e but i am in love more with their song stop the time. sometimes you fall in love more with the music than its artist. but of course these gals are real lovely." Dahil sa iyong loylty sa music but not for the artist, ikaw ay naging aming pinakamakatuwirang fan.
Bilang aginaldo sa lahat ng kaibigan ng Pop China, naka-down-load na ang lahat ng nasabing limang pinakapopular na kanta sa aming website: Filipino.cri.cn, under the column Pop China Special. Para kay Ome, alam ko na patuloy mo pa ring hinahanap ang "ru guo wo bian cheng hui yi" o "kung maalaala mo ako" ni Tank. Magklik dito.
.