Pangulo ng Tsina at PM ng Kanada, nagtagpo sa Beijing

2017-12-06 17:30:14  CRI
Share with:

Pangulo ng Tsina at PM ng Kanada, nagtagpo sa Beijing

Kinatagpo Martes, Disyembre 5, 2017, sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Justin Trudeau, dumadalaw na Punong Ministro ng Kanada.

Tinukoy ni Xi na ang pagpapanatili ng mahigpit na pagpapalitan ng mga lider ay mahalaga para sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, palalawakin ang pragmatikong kooperasyon, at pasusulungin ang pagtatamo ng mas maraming bunga.

Ipinahayag ni Trudeau na nitong ilang taong nakalipas, pinananatili ng kooperasyon ng dalawang panig ang tunguhin ng mabilis na pagpapaunlad, at ito ay nagdudulot ng aktuwal na interes para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nagsisikap ang dalawang panig para palalimin ang relasyon sa Tsina batay sa paggagalangan at pagtitiwalaan sa isa't isa, at palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pa.

salin:Lele

Not Found!(404)

Please select the login method