Bubuksan sa Disyembre 8, 2017 sa Zhengzhou, lunsod sa gitnang Tsina ang 2017 China-ASEAN Friendship Concert. 10 mang-aawit mula sa bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 3 mang-aawit ng Tsina ang lalahok at magtatanghal sa naturang konsiyerto.
Kakantahin ni Christian Bautista ang "Kapit." Samantala, ang iba pang mga mang-aawit mula sa ASEAN ay sina: Alilah mula sa Brunei, CHHORN Sovannareach mula sa Kambodya, Petra Sihombing mula sa Indonesya, Athisak Ratanavong mula sa Laos, Shila Amzah mula sa Malaysia, Po Po mula sa Myanmar, Tan Tze Kia mula sa Singapore, Kornpassorn Duaysianklao mula sa Thailand, at Do Thi Thanh Hoa mula sa Biyetnam. Kabilang naman sa mga mang-aawit na Tsinong lalahok sa palabras ay sina: Lian Xu, Chen Xi, at Zhang Jianxun.
Ang 2017 China-ASEAN Concert ay nasa makakasamang pagtangkilik ng China Radio International (CRI), People's Radio of Zhengzhou ng Tsina, at mga media at organisasyong pangkultura ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), at People's Television Network (PTV).
Ayon sa plano, isasahimpapawid ang nasabing documentary film at mga programa ng "2017 China-ASEAN Friendship Concert" sa mga kalahok na media ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilagan ng PTV ng Pilipinas, at mga plataporma sa iba't ibang wika ng CRI.
salin:wle