Singaporean historian: mga pamamaslang ng tropang Hapones sa mga bansang Asyano, kabilang sa krimeng pandigmaan

2017-12-13 23:14:14  CRI
Share with:

Ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, 2017 ay ika-80 anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan pinaslang ng mga mananalakay na Hapones ang mahigit 300 libong mamamayang Tsino, sa Nanjing, lunsod sa silangan ng Tsina, noong World War II.

Sa kanyang panayam kamakailan sa China Radio International, sinabi ni Chen Jian, mananalaysay ng Singapore, na ang Nanjing Massacre, kasama ng Singapore Massacre at Manila Massacre, ay tatlong malaking pamamaslang ng tropang Hapones sa mga sibilyan noong WWII. Pero aniya, hanggang sa kasalukuyan, hindi malinaw ang posisyon ng panig opisyal ng Hapon sa mga pangyayaring ito.

Ayon kay Chen, pinangangatwiranan ng pamahalaang Hapones, na ang pamamaslang ay bahagi ng digmaan, at hindi maiiwasan ang pagpatay sa mga sibilyan sa panahon ng digmaan.

Pero, sinabi ni Chen, na maraming ebidensiyang nagpapatunay na ang naturang mga pamamaslang ay sinasadya at organisadong aksyon ng tropang Hapones, at kabilang sa krimeng pandigmaan ang mga ito. Aniya, ito ay dapat kilalanin ng pamahalaang Hapones, at dapat humingi ng paumanhin ang panig opisyal ng Hapon sa mga nabiktima at apektadong bansa.

Salin: Liu Kai

404 Not Found

404 Not Found


nginx/1.26.1
Please select the login method