20180222Imigrasyon.mp3
|
Kakatapos lang po ng Spring Festival/Chun Jie o Chinese New Year, ang pinaka-importanteng pestibal ng Tsina. Alam po ba ninyo na tuwing panahong ito, nagkakaroon ng tinatawag na pinakamalaki at pinakamalawak na migrasyon ng tao sa daigdig?
Travel Rush
Mga biyahero
Ayon sa China Global Television Network (CGTN), nasa halos 3 bilyong biyahe ng ibat-ibang plataporma ng transportasyon ng Tsina ang naisagawa at isinasagawa pa rin dahil dito.
At para maisiguradong maginhawa ang pagbibiyahe, isiniwalat ng 7 departamento ng gobyernong Tsino ang mga katugong hakbangin para maging maayos ang paglalakbay ng mga tao.
Mga sundalong nagbabantay sa isang istasyon ng tren
Smart Glasses
Sinabi ni Lian Weiliang, Vice Chairman ng National Development and Reform Commission, dahil medyo huli ang petsa ng pagdiriwang ng Chun Jie ngayong taon, nasa 100 milyon biyahe ang maximum daily peak, at mabigat din ang trapiko sa mga kalsada.
Aniya, noong nakaraang taon, nagkaroon ng 14% year-on-year na paglaki sa mga pribadong sasakyan sa mga haywey, at sa taong ito, mas malaking pagsubok ang kinakaharap para maisigurado ang maayos at ligtas na kalagayan ng paglalakbay.
Mayroong 217 milyong sasakyan sa Tsina hanggang katapusan ng nagdaang taon, at karamihan sa mga ito ay pribado. Pero, ayon sa mga awtoridad, sa kauna-unahang pagkakaton, mas maliit ng 1.6% ang mga biyahe sa kalsada sa taong ito dahil mas marami nang mamamayan ang gumagamit ng mga mass transport, tulad ng tren at eroplano.
Isa rin anila sa mga dahilan ay ang pagpapadali ng gobyerno sa proseso ng pagbili ng mga tiket, lalung-lalo na sa mga tren.
Ani Li Wenxin, Deputy General Manager ng China Railway Corporation, "we've added high-speed overnight trains. We're making full use of new railways, but railways can't fully meet passenger demand, and can only allow 390 million of the total 2.98 billion trips.
Sa kabilang dako, may mga preperensyal na pribilehiyo naman para sa mga estudyante, sundalo, at mga migranteng manggagawa, at mga taong nakatira sa mga mahihirap na nayon.
Dahil po sa travel rush, pinahigpit din po ng kapulisan ng Tsina ang seguridad sa mga paliparan, puwerto, istasyon ng bus at siyempre, istasyon ng tren.
Kaugnay nito, sa Zhengzhou, kabisera ng lalawigang Henan, ginamit na ang facial recognition eyewear para maisigurado ang kaligatan ng mga pasahero.
Ayon sa pahayagang People's Daily, makikitang suot ng mga security personnel sa Zhengzhou East Railway Station ang mga bagong kagamitan: ito'y para maging episyente at mapabilis ang pagberipika sa pagkakakilanlan ng mga pasahero, hulihin ang mga kriminal at sawatain ang mga may masasamang balak.
Ang salaming ito ay kamukha ng Google Glass — at konektado sa database ng kapulisan.
Simula nang gamitin ito ng Zhengzhou Railway Police noong unang bahagi ng taong ito, 7 personaheng may-kaugnayan sa human trafficking, hit-and-run, at iba pa ang kanila nang nahuli.
Samantala, sa isang kahawig na hakbang, ipinakilala na sa mga istasyon ng tren sa mga pangunahing lunsod ng Tsina, kasama na ang Zhengzhou, ang "face-swiping" check-in service.
Kahawig ito ng e-passport services sa mga airport.
Ang facial recognition technology ay ginagamit sa pag-i-scan ng mga mukha ng pasahero at kanilang mga travel document.
Ang mga "smart glasses" ay may kamerang konektado sa isang device na mukhang smartphone: ito ay para makita ng mga pulis ang mga kahina-hinalang tao at makuha ang kanilang mga litrato, upang maikumpara sa database.
Ang app na kasama rin ng device ang siyang bahalang maglabas ng vital information ng suspek, na gaya ng pangalan, ethnicity, kasarian, at address.
Sinasabi rin nito sa mga pulis ang mga pagkakakilanlan ng mga takas na bilanggo o mga taong nagtatago sa batas, kasama na ang address ng hotel na kanilang tinutuluyan, etc.
Kaya, may travel rush man o wala, makakasiguro po tayo na ligtas ang bawat isa sa pamamagitan ng mga hakbangin na ginagawa ng pamahalaan at Partido ng Tsina.