Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at Pangulo ng Austria

2018-04-09 11:05:53  CRI
Share with:

Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon, Linggo, ika-8 ng Abril 2018, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) at Pangulong Alexander Van der Bellen ng Austria, na kalahok sa 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia.

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at Pangulo ng Austria

Sa pakikipagtagpo kay Guterres, ipinahayag ni Xi ang pagkatig sa UN, at pagtatanggol sa awtoridad at katayuan nito.

Tinukoy din ni Xi, na mahalaga ang "good governance" para sa paglutas sa iba't ibang isyu ng daigdig. Dapat aniyang walang humpay na pasulungin at pabutihin ang global governance. Aniiy pa, ang pinal na layon ng gawaing ito ay pagdudulot ng kaligayahan sa mga mamamayan.

Ipinahayag naman ni Guterres ang pagbati sa muling pagkahalal ni Xi bilang Pangulo ng Tsina. Sinabi niyang mahalaga ang mga ideya ni Xi hinggil sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap. Umaasa rin aniya siyang patitingkarin ng Tsina ang mas malaking impluwensiya sa mga suliraning pandaigdig.

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at Pangulo ng Austria

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at Pangulo ng Austria

Sa pakikitagpo naman kay Van der Bellen, ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa pagsasagawa ng Pangulong Austrian ng dalaw pang-estado sa Tsina at pagdalo sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia. Dagdag niya, ang pagpunta sa Tsina ng nakatataas na delegasyon ng Austria, na binubuo ng pangulo, chancellor, at mga ministro, ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng bansang ito sa relasyon sa Tsina.

Pagkaraan ng pagtatagpo, inilabas din ng Tsina at Austria ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagtatatag ng dalawang bansa ng mapagkaibigan at estratehikong partnership. Sinaksihan din ng dalawang lider ang paglagda sa mga kasunduang pangkooperasyon, na kinabibilangan ng kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.

Salin: Liu Kai

Please select the login method