Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Timog Korea, sinabi sa mga media kahapon, Miyerkules, ika-13 ng Hunyo 2018, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na umaasa ang kanyang bansa, na isasagawa ng Hilagang Korea ang mahalagang hakbangin ng disarmamentong nuklear, bago ang Enero ng taong 2021, panahong matatapos ang kasalukuyang termino ni Pangulong Donald Trump.
Ayon pa rin kay Pompeo, nilinaw ni Trump, na ang paunang kondisyon ng pagtitigil ng Amerika at T.Korea ng mga pagsasanay militar ay pagsasagawa ng Amerika at H.Korea ng talastasang may bunga at katapatan. Kung hindi makakaabot ang talastasan sa lebel na ito, mawawalang-bisa ang pangako ni Trump hinggil sa pagtitigil ng pagsasanay militar, dagdag ni Pompeo.
Salin: Liu Kai