Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa PM ng Biyetnam

2019-04-25 17:48:57  CRI
Share with:

Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo Huwebes, Abril 25, 2019 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.

图片默认标题_fororder_20190425XiBiyetnam1

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Biyetnam ay kabilang sa community with a shared future na may estratehikong katuturan. Dapat aniyang patingkarin ng kapuwa panig ang papel ng mekanismo ng pagpapalitan ng dalawang partido, puspusang pasulungin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, kakayahan sa produksyon, sona ng transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan at iba pa. Dapat din aniyang palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, at pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa, maging ng mga umuunlad na bansa. Dapat pangalagaan ng kapuwa panig ang kapayapaan at katatagan sa dagat, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, dagdag ni Xi.

图片默认标题_fororder_20190425XiBiyetnam2

Ipinahayag naman ni Nguyen ang kahandaan ng panig Biyetnames na pangasiwaan at kontrolin, kasama ng panig Tsino, ang mga isyung pandagat, ayon sa komong palagay ng magkabilang panig, para hindi ito makaapekto sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Biyetnames.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method