Mga Sangkap:
1 itlog maalat, binalatan
2.4 kilograms ng giniling na karneng baboy
1 regular egg
1 kutsara ng toyo
½ kutsarita ng putting asukal
¼ na kutsarita ng asin
1 kutsarita ng durog na pamintang itim
1 kutsara ng gatas
½ ulo ng broccoli, hinimay
Paraan ng Pagluluto:
Ihiwalay ang puti ng itlog sa pula. Gamit ang kutsara, ligisin ang puti sa isang bowl, o kung hindi naman, i-blend sa food processor. Hatiin naman sa apat ang pula at itabi muna.
Sa isang katamtamang laking bowl, paghalu-haluin ang karneng giniling, puti ng itlog maalat, regular egg, soy sauce, asukal, asin, paminta at gatas gamit ang kamay.
Hayaang ma-marinate sa loob ng 15 minutes. Kunin ang mga piraso ng pula ng itlog at isiksik sa karneng giniling. Masahin nang kaunti ang karne at diinan sa ibabaw para maging flat na parang cake. Iayos ang mga floret ng broccoli sa paligid ng karne. Ilagag ang bowl sa steamer na may ilang inches ng tubig. Sa katamtamang init, pausukan ang karne hanggang magkulay brown (mga 30 minutes). Ihaing kasabay ng kanin.