Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap nitong Lunes, Abril 29, 2019 kay Ueli Maurer, Presidente ng Swiss Confederation, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng Switzerland para mapalalim ang estratehikong kooperasyon at magkasamang maitayo ang “Belt and Road.”
Ang Switzerland ay unang kontinental na bansang Europeo na nakipaglagda ng kasunduan ng malayang kalakalan sa Tsina. Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na dapat igiit ng dalawang panig ang diwa ng mutuwal na paggagalangan at pagtitiwalaan sa isa’t-isa. Dapat din aniyang palakasin ng dalawang bansa ang diyalogo at pagpapalitan sa iba’t-ibang lebel at larangan.
Ipinahayag naman ni Maurer na ang “Belt and Road” Initiative ay isang dakila at mapayapang mungkahi. Ito aniya ay puwersang nakakapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Kinakatigan aniya ng Switzerland ang nasabing inisyatiba.
Salin: Li Feng