Ambag ng Tsina sa Aprika, pinapurihan ng Britanya

2019-05-04 14:26:53  CRI
Share with:

Ipinahayag sa Kenya nitong Biyernes, Mayo 3, 2019, ni Ministrong Panlabas Jeremy Hunt ng Britanya, na napakalaking ambag ay ibinibigay ng Tsina para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Kenya at buong Aprika.

Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng pag-uusap nina Hunt at Ministrong Panlabas Monica Juma ng Kenya, sinabi ng una na lubos na hinahangaan ng Britanya ang ginagawang napakalaking ambag ng Tsina para sa pag-unlad ng Kenya at buong Aprika.

Ipinahayag din ng dalawang panig na ibayo pang palalakasin ng Britanya at Kenya ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng kalakalan, seguridad sa rehiyon, at pangangalaga sa kapaligiran.

Salin: Li Feng

Please select the login method