Sa ika-52 taunang pulong ng Asian Development Bank (ADB) na ginanap nitong Biyernes, Mayo 3, 2019, sa Nadi, Fiji, nanawagan si Takehiko Nakao, Puno ng ADB, sa mga kalahok na magkakasamang pangalagaan ang multilateralismo.
Optimistiko siya sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong ito. Ipinalalagay niya na bagama't lumalaki ang mga di-tiyak na elemento sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, matatag pa rin ang paglaki ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko. Ito aniya ay dahil sa, pangunahin na, malakas na pagkatig ng konsumo at pamumuhunan sa loob ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito. Ayon sa pagtaya ng ADB, sa kasalukuyang taon, may pag-asang lalaki ng 5.7% ang kabuhayan sa rehiyong ito, dagdag pa niya.
Nitong Miyerkules, unang araw ng Mayo, ginanap ang nasabing limang araw na taunang pulong. Naitatag ang ADB noong 1966 na ang punong himpilan nito ay nasa Manila, Pilipinas.
Salin: Li Feng