Pamahalaang sentral ng Tsina, di pumayag sa paglahok ng Taiwan sa World Health Assembly

2019-05-07 11:14:13  CRI
Share with:

Sinabi Lunes, Mayo 6, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na upang mapangalagaan ang simulaing “Isang Tsina” at awtoridad ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) at World Health Assembly (WHA), ipinasiya ng panig Tsino na huwag payagang lumahok ang Taiwan sa WHA sa kasalukuyang taon. Samantala, gumawa ang pamahalaang sentral ng Tsina ng maayos na plano sa pagsali ng Taiwan sa mga pandaigdigang suliraning pangkalusugan.

Diin ni Geng, ang simulaing “Isang Tsina” ay pundasyong pulitikal ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at pundasyong pulitikal rin ng paggawa ng Tsina ng espesyal na pagsasaayos sa pagsali ng Taiwan sa WHA. Sapul nang magkaroon ng kapangyarihang pulitikal ang Democratic Progressive Party ng Taiwan noong 2016, iginigiit nito ang “pagsasarili ng Taiwan,” na siyang nakasira sa pundasyong pulitikal ng paglahok ng Taiwan sa WHA.

Salin: Vera

Salin:维拉
标签:TaiwanWHA
Please select the login method