Mga Sangkap:
250 grams ng dried wheat noodles
3 kutsara ng vegetable oil
1 piraso ng luya, tinadtad nang pino
1-2 cloves ng bawang, tinadtad nang pino
6-8 shallots, ginayat nang manipis
100 grams ng sariwang prawns
2-3 dried black mushrooms, ibinabad at ginayat nang manipis at pahaba 4 na talbos ng silver beet
100 grams ng red barbecued pork, hiniwa
1 kutsara ng light soy sauce
Paraan ng Pagluluto:
Pakuluan ang noodles sa loob ng 2-3 minutes. Habang pinakukuluan, paghiwa-hiwalayin ang mga strand sa pamamagitan ng chopsticks o tinidor. Patuluin at lagyan ng isang kutsara ng vegetable oil para hindi magdikit-dikit.
Initin ang natitirang vegetable oil sa kawali at igisa ang luya, bawang at shallots hanggang maging golden brown. Idagdag ang prawns at mushrooms at ituloy pa ang paghahalo hanggang magkulay pink ang prawns. Pira-pirasuhin nang maliliit ang mga dahon ng silver beets at idagdag sa kawali. Ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 2-3 minutes tapos idagdag ang karne at hayaang maluto sa loob ng 30 seconds.
Dagdagan ang apoy at idagdag ang noodles at iluto sa loob ng one minute.
Halu-haluin. Lagyan ng soy sauce at ihain pagkalutung-pagkaluto.