Pangulong Tsino at Hari ng Saudi Arabia, nag-usap sa telepono

2019-05-09 11:19:11  CRI
Share with:

Miyerkules, Mayo 8, 2019, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia.

Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership sa Saudi Arabia. Itinuturing aniya na mahalagang kooperatibong partner sa pagtatatag ng Belt and Road ang Saudi Arabia. Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Saudi Arabian, na palakasin ang estratehikong sinerhiya ng Belt and Road Initiative at “Saudi Arabia’s Vision 2030,” at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangang gaya ng enerhiya, dagdag ni Xi.

Sinabi naman ng Haring Saudi Arabian na kapuwa nagpupunyagi ang Tsina at kanyang bansa para sa pag-unlad ng sariling bansa at kapayapaa’t katatagan ng daigdig. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba’t ibang antas, at pasulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya at Kanlurang Asya. Nakahanda ang Saudi Arabia na patuloy na gumawa ng ambag para sa pagpapasulong sa relasyong pangkaibiga’t pangkooperasyon sa pagitan ng mga bansang Arabe at Islamiko at Tsina, aniya pa.

Salin: Vera

Please select the login method