Beijing — Pormal na naitatag nitong Linggo, Mayo 12, 2019, ang International Disaster Reduction Scientific League (IDRSL) na itinataguyod ng mga siyentistang Tsino. Sa hinaharap, itatampok nito ang pagpigil sa panganib at komprehensibong pagbabawas ng likas na kalamidad sa "Belt and Road" para mapataas ang kakayahan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" na pigilan at bwasan ang kalamidad at itaas ang sustenableng pag-unlad.
Ang pagpigil at pagbabawas ng kalamidad ay malaking realistikong isyung magkakasamang kinakaharap ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Ito rin ay mahalagang punto ng "konektibidad ng mga puso ng mga mamamayan."
Ayon sa ulat, kalahok sa nasabing liga ang halos 30 organo ng siyentipikong pananaliksik at unibersidad mula Tsina, Italya, Nepal, Sri Lanka, Pakistan, at iba pang bansa, at mga organisasyong pandaigdig.