Sa kanyang pakikipagtagpo sa Sochi nitong Lunes, Mayo 13 (local time), 2019, kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, mainit na binati ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang matagumpay na pagdaraos ng Tsina ng Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation. Ipinahayag ni Putin na ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Rusya at Tsina ay preperensyal na direksyon ng diplomasyang Ruso.
Ipinahayag naman ni Wang na ang mahalagang pagkikita nina Pangulong Xi Jinping at Putin sa Beijing ay nakalikha ng mainam na simula para magkasamang ipagdiwang ng dalawang panig ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko. Aniya, sa ilalim ng estratehikong pamumuno at patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, nasa pinakamataas na lebel ang relasyong Sino-Ruso sa kasaysayan.
Bukod dito, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig.