CRI Komentaryo: Umano’y pagnanakaw, nalilinlang ang sarili at ibang tao

2019-05-15 22:39:33  CRI
Share with:

May pananalita kamakailan ang ilang pulitikong Amerikano na nagsasabing ang Amerika ay parang piggy bank, at nagnanakaw rito ng pera ang lahat ng mga bansang kinabibilangan ng Tsina. Hindi lamang kulang sa pundamental na kamalayang ekonomiko ang ganitong pananalita, kundi nalilinlang nito ang sarili at ibang tao.

Ipinakikita ng kalakaran ng pamilihan na ang transaksyon sa pagitan ng mamimili at nagbebenta ay nababatay sa mutuwal na kapakinabangan at win-win result, pati rin ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Nitong nakalipas na maraming taon, sa pamamagitan ng pagkokomplemento ng mga bentahe ng isa’t isa, hindi lamang nakapagpasulong ang panig Tsino’t Amerikano ng pag-unlad ng sariling kabuhayan at pag-a-upgrade ng estruktura ng industriya, kundi nakakuha rin ng napakalaking benepisyong pangkabuhayan. Pero nagbubulag-bulagan ang Amerika sa katotohanan, at walang batayang bumatikos sa Tsina na nagnakaw ng teknolohiya, hanap-buhay at pondo ng Amerika.

图片默认标题_fororder_20190515Komentaryo1

Hindi totoo ang kasinungalingan, kahit inuulit ito nang libu-libong beses.

Ipinakikita ng datos na napakalaki ng tubong kinuha ng Amerika mula sa pamilihang Tsino. Halimbawa, noong 2017, 7.13 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bayad ng Tsina sa Amerika para sa paggamit ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), at ito ay katumbas ng 25% ng kabuuang bayad ng Tsina sa mga bansang dayuhan sa aspektong ito. Sa kasalukuyan, umabot sa 700 bilyong dolyares ang kita sa taunang benta ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Amerikano sa Tsina, at lampas sa 50 bilyong dolyares ang tubo nila. Mula noong 2008 hanggang 2017, lumaki ng 86% ang pagluluwas ng paninda ng Amerika sa Tsina, pero 21% lang ang paglago ng pagluluwas nito sa ibang pamilihan sa daigdig sa gayung ding panahon. Malaki rin ang trade surplus ng Amerika sa larangan ng kalakalang panserbisyo sa Tsina na gaya ng turismo, transportasyon, IRP, insurance at iba pa.

图片默认标题_fororder_20190515Komentaryo2

Sa kasalukuyan, lampas sa 70% na kalakalan sa buong mundo ay isinasagawa, sa pamamagitan ng US dollar settlement. Gamit ang hegemonistikong katayuan ng dolyares, walang humpay na nagtatamasa ang Amerika ng bunga ng paglago ng kabuhayan ng ibang bansa. Kahit 4.4% ang proporsyon ng populasyon ng Amerika sa buong mundo, 22% ang proporsyon ng konsumo nito ng mga paninda sa daigdig.

Tinukoy ni Stephen S. Roach, kilalang ekonomistang Amerikano, na ang pagbatikos ng Amerika sa Tsina ay paglilinlang lamang sa sarili at ibang tao. Katwiran lamang ito para sa mga nangingibabaw na problema na gaya ng kakulangan ng impok at pagbaba ng produktibidad, dagdag niya.

图片默认标题_fororder_20190515Komentaryo3

Ang dakilang tagumpay ng Tsina nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ng reporma at pagbubukas ay bunga ng diwa ng inobasyon, pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga mamamayang Tsino. Ang umano’y pananalita ng pagnanakaw ng Amerika ay hindi hahadlang sa hakbang ng Tsina sa pag-unlad. Tiyak na lilikhain ng isang mas bukas na Tsina ang mas maraming himalang pangkaunlaran.

Salin: Vera

Please select the login method