Binuksan Lunes, Mayo 20, 2019 sa Geneva ang Ika-72 World Health Assembly (WHA). Ang kasalukuyang pulong ay nakatuon sa temang "Universal Health Coverage: Leaving No-one Behind."
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization, na sa pamamagitan ng primary health care, maaaring mapigilan, matuklasan at ipagamot ng iba’t ibang bansa ang mga di-nakakahawang sakit, at matuklasan at mapigilan ang mga biglaang sakit bago magbunsod ito ng epidemiya. Hinimok niya ang iba’t ibang bansa na gumawa ng konkretong pangako, para hindi maiwan ang sinuman sa proseso ng pagsasakatuparan ng universal health coverage.
Idinaraos ang nasabing pulong mula ika-20 hanggang ika-28 ng Mayo.
Salin: Vera