Paninindigan ng Amerika sa nuclear transparency, mapagkunwari —diplomatang Tsino

2019-05-23 14:59:03  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong hinggil sa disarmament sa Geneva, binatikos ni Li Song, Ambassador for Disarmament Affairs ng Tsina, ang mapagkunwaring paninindigan ng Estados Unidos sa nuclear transparency.

图片默认标题_fororder_20190533LiSong1

Aniya, paulit-ulit na bumatikos ang Amerika sa lehitimo’t magkatwirang konstruksyong pandepensa ng Tsina, at gustong pasulungin ang pagsapi ng Tsina sa arms control agreement ng Amerika at Rusya. Hayagang ipinahayag ng mataas na opisyal ng pamahalaang Amerikano na kulang sa transparency ang Tsina sa mga isyung gaya ng saklaw ng modernisasyon ng puwersang nuclear. Aniya, walang batayan ang nabanggit na pagbatikos ng Amerika, sa halip, iniiwas nito ang pagsasabalikat ng sariling responsibilidad na pandaigdig, sa katuwiran ng ibang bansa. Walang paunang kondisyon at pundasyon ang trilateral na talastasan ng Tsina, Amerika at Rusya sa isyu ng arms control, at hinding hindi sasali rito ang panig Tsino, dadag ni Li.

图片默认标题_fororder_20190533LiSong2

Diin ni Li, pinakamalinawag sa lahat ng mga bansang may sandatang nuklear ang estratehiyang nuklear at patakarang nuklear ng Tsina. Buong tatag aniyang tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at naggigiit sa estratehiyang nuklear para sa sariling tanggulan lamang.

Salin: Vera

Salin:维拉
标签:disarmament
Please select the login method