Xi Jinping, nagpadala ng mensahe sa 2019 China International Big Data Industry Expo

2019-05-26 17:04:00  CRI
Share with:

Ipinadala Linggo, Mayo 26, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa 2019 China International Big Data Industry Expo na ginanap sa Guiyang, probinsyang Guizhou ng bansa.

 

Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, napakasiglang umuunlad ang bagong henerasyon ng teknolohiyang pang-impormasyon; bagay na nakakapagbigay ng malaki at malalim na impluwensiya sa pag-unlad ng kabuhayan, pagsulong ng lipunan, at pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa. Aniya, kailangang palakasin ng iba't-ibang bansa ang kooperasyon, at palalimin ang pagpapalitan para hawakan nang maayos ang mga kinakaharap na hamon ng pag-unlad ng big data sa mga aspektong gaya ng batas, seguridad, at pangangasiwa ng pamahalaan.

 

Ipinagdiinan din niya na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng big data industry. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para magkakasamang tamasahin ang pagkakataon ng pag-unlad ng digital economy.

Salin:荔逢
Please select the login method