Kilalang kilala ang Dahaidao (o Big Sea Road) sa Hami, Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, dahil sa dakilang disyerto. Nakikita rito ang mga sinaunang kastilyo, toresilya, sinaunang tanggapan ng koreo, sinaunang panirahan ng sangkatauhan, burol ng fossil, at maraming pambihirang anyong-lupa. Dito nararamdaman ang kagila-gilalas na likhang-sining ng kalikasan.
Salin: Vera